Monday, November 14, 2011

Pusong Hangal V.11

Ano na naman itong nararamdaman ko

inggit sa mga taong nakakasama mo

buti pa kayo masaya kayong nagbibiruan

walang humpay ang iyong pagtatawanan


at buti pa sila napasaya ka

samantalang ako di magawang kausapin ka

kahit pa nga tayong dalawa lang ang magkasama

wala akong ibang ginawa liban lang sa titigan ka


minsan naman kapag may isang lalaki kang kasama

nagagalit ang dibdib ko nagseselos ng sobra

tumitikom ang kamao ko at bumibigat panga

gustong idikit sa mukha ng iyong kasama


ayaw kong may nakakausap kang iba

ayaw ko rin na mapamahal ka sa iba

ngunit ano bang karapatan ko para p[akialaman ka

eh ako nga ayaw kong malaman mong minamahal kita


SILENT TRUE LOVER